78 disqualification case inihain sa COMELEC

Pitumput-walong disqualification cases laban sa mga nais tumakbong senador sa 2019 elections ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) hanggang araw ng Miyerkules.

Isa rito ang disqualification case na inihain ni Atty. Ferdinand Topacio laban kay Senador Koko Pimentel.

Naghain din ng kaso si dating Senador at Interior Secretary Mar Roxas laban sa isang Lemicio Jesus Roxas.

Mayroon namang magkahiwalay na disqualification cases laban kina Senadora Loren Legarda na kakandidatong kinatawan ng Antique na inihain ng isang Robin Rubinor at Exequiel Javier.

Hanggang November 29 pwede ang substitution dahil sa withdrawal o pag-atras ng kandidato.

Papayagan lang ang substitution kung namatay ang kandidato o papalitan ito ng iba na may kaparehong apelyido.

Ilalabas ng COMELEC ang pinal na listahan ng mga kandidato sa December 15 matapos ang review ng mga certificates of candidacy (COC) hanggang November 29 para malaman kung sino ang nuisance candidates.

Read more...