Bagong Asia’s Next Top Model pinangalanan na

Makalipas ang walong linggong kompetisyon ay pinangalanan na kagabi ang Cycle 6 winner ng Asia’s Next Top Model at ito ay ang pambato ng Thailand na si Dana Slosar.

Tinalo ni Dana ang manok ng Pilipinas na si Adela-Mae Marshall, maging si Mia Sabathy mula naman sa Taiwan.

Sa kabuuan ng AsNTM, tatlo ang nakuhang best photos of the week ni Dana. Una dito ay sa week 5 kung saan nakuha rin niya ang pagiging brand ambassador ng Est.lab na isang skin care company. Sumunod ang sa week 7 at ang huli ay ang sa final photoshoot.

Ito na ang ikatlong beses na nanalo sa naturang kompetisyon ang representative ng Thailand.

Samantala, sa kanyang personal na Instagram account ay nagpasalamat sa kanyang mga tagahanga ang pambato ng Pilipinas na si Adela-Mae. Aniya, nalulungkot siya na hindi niya naiuwi ang back-to-back win para sa bansa. Gayunman aniya ay sana maganda niyang na-represent ang Pilipinas.

Read more...