Kabilang na ang Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) sa listahan ng mga Pamantasan sa bansa na pasok sa Top 500 Asian Universities ng Quacquarelli Symonds (QS).
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), nasa Top 300 to 500 ang MSU-IIT na kinabibilangan din ng University of San Carlos, Mapua University at Siliman University.
Samantala, patuloy na nangunguna sa bansa at umarangkada pa ang University of the Philippines matapos umakyat sa Top 72 mula sa Top 75.
Sinundan ang UP ng Ateneo de Manila University na pang-115th, De La Sa University na pang-155th at University of Santo Tomas na pang-162nd.
Nangunguna sa listahan ng Asian Universities ang National University of Singapore na sinundan ng The University of Hong Kong at Nanyang Technological University.
Nagpahayag ng kasiyahan si CHED Chairman Dr. Prospero De Vera III sa pagpasok ng mga Pamantasan sa bansa sa listahan.
Umaasa anya siya na mas marami pang higher education institutions (HEIs) ang papasok sa top 500 sa mga susunod na taon.
Tiniyak ni De Vera na patuloy na ihahanda ang mga unibersidad sa bansa para makasabay global competitiveness.