Tinawag ng Commission on Election (COMELEC) ang atensyon ng mga aspiring candidates para sa 2019 midterm elections upang paalalahanan sa maagang pangangampanya.
Sa kanyang personal na Twitter account ay sinabi ni COMELEC spokesperson James Jimenez na ang campaign period para sa ma tatakbong senador ay sa February 12, 2019 pa hanggang May 11, 2019.
Habang ang mga tatakbo naman sa lokal na posisyon ay magsisimula pa lamang sa MArch 29, 2019 hanggang May 11, 2019.
Ani Jimenez, kapansin-pansin na halos lahat ng mga malalaking personalidad na nagnanais na tumakbo sa pagka-senador ay nangangampanya na.
Aniya, ginagamit ng mga ito ang loophole patungkol sa premature campaigning.
Wala namang partikular na pinangalanan si Jimenez.
Ngunit sinabi ni Jimenez na dahil hindi pa campaign period ay walang magagawa ang poll body sa mga kandidatong nangangampanya na.
Ayon sa batas, maaari lamang pagbawalan ang mga kandidato sa panahon ng campaign period.
Apela ni Jimenez sa mga kandidato, magkaroon ng delikadeza.
Nearly all major senatorial candidates openly campaigning now – taking full advantage of the premature campaigning loophole. In case you missed it. #NLE2019
— James Jimenez (@jabjimenez) October 24, 2018