Unti-unti nang giginhawa ang pagsakay ng mga pasahero sa Metro Rail Transit (MRT-3).
Ito ay dahil sinimulan na ang installation o paglalagay ng mga bagong biling air conditioning units (ACUs) sa mga bagon ng MRT 3.
Sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr) at MRT-3, inaasahan anila na makukumpleto ang pagkakabit ng 42 ACUs sa mga susunod na buwan.
Ang 42 na units ay ang unang batch pa lang ng kabuuang 78 na binili para sa mass rail transit.
Inaasahang darating ang natitirang 36 bago matapos ang taon.
Ang 78 ACUs na ito ay nagkakahalaga ng P116.5 milyon at bahagi ng rehabilitasyon ng MRT.
MOST READ
LATEST STORIES