Nabayaran na ng Xiamen Airlines ang inisyal na P16 million para sa aksidenteng kinasangkutan ng kanilang eroplano sa NInoy Aquino International Airport.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General manager Ed Monreal, ang inisyal na bayad ay para sa ginastos sa pag-aalis sa Xiamen Air Flight MF6887 sa runway noong Agosto.
May kulang pang P16 million ang Xiamen para mabuo ang bayarin.
Ayon kay Monreal, ipinagkaloob na rin nila sa Xiamen ang mga dokumento na magpapatunay ng mga ginastos nang mangyari ang aberya.
Sa ngayon sinabi ni Monreal na pinag-uusapan pa nila at ng pamunuan ng Xiamen ang usapin kung babayaran din ba ang mga abalang naidulot ng pagsadsad ng eroplano sa maraming flights sa NAIA.
READ NEXT
WATCH: Ilang araw bago ang opening sa Boaracay, ilang hotels abala sa pagsaayos ng kanilang establisyimento
MOST READ
LATEST STORIES