WATCH: Ilang araw bago ang opening sa Boaracay, ilang hotels abala sa pagsaayos ng kanilang establisyimento

Kuha ni Isa Umali
Todo-handa na ang Boracay inter-agency task force para sa muling pagbubukas ng isla sa publiko sa Oct. 26 o araw ng Biyernes.

Ngayong araw ay abala pa rin ang mga manggagawa sa pagsasaayos at pagpapaganda ng pantalan o port.

Mayroon namang hotels na hindi pa tapos ang rehabilitasyon, at sa kasalukuyan ay may mga inaayos pa sa kani-kanilang establisimyento.

At bagama’t sa Biyernes pa ang scheduled reopening, marami-rami na ring bisita ang nasa Boracay.

Batay kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, magiging simple lamang ang seremonya para sa Boracay reopening.

Gaya ng nauna nilang inanunsyo, hindi darating si Pangulong Rodrigo Duterte sa isla sa Biyernes, pero mahigpit na bilin nito na huwag gawing magarbo ang Boracay reopening.

Inaasahan namang darating ang iba pang opisyal ng gobyerno tulad nina DENR Sec. Roy Cimatu at Tourism Sec. Berna Puyat.

Sa ngayon ay napakainit ng panahon sa Boracay, na ika-nga ng mga bisita ay mala-summer at magandang pagkakataon upang i-enjoy ang ganda ng Boracay, makalipas ang anim na buwang rehabilitasyon.

Read more...