Dating Customs official Ma. Lourdes Mangaoang at BOC Commissioner Lapeña nagkaharap sa pagdinig sa Kamara

Sa pagharap sa pagdinig sa Kamara, pinanindigan ni dating Bureau of Customs (BOC) X-ray Inspection Project chief Ma. Lourdes Mangaoang na may laman na iligal na droga ang apat na magnetic lifters na natuklasan sa GMA, Cavite na sinasabing nagkakahalaga ng nasa P6.8 billion.

Sa pagdinig ng House committees on dangerous drugs at good government and public accountability, iginiit ni Mangaoang na “very obvious” sa kuha ng x-ray na mayroon talagang laman ang mga magnetic lifter.

Batay naman aniya isinagawang chemical at weighing analysis sa mga magnetic lifters na ito, masasabi raw niya na shabu ang nilalaman nito.

Pero ang pahayag ni Mangaoang ay kinuwestiyon ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal.

Tinanong ni Oaminal kung ano ang basehan ni Mangaoang dahil hindi naman aniya bahagi ng trabaho ng customs collector ang pagiimbestiga sa naturang usapin.

Muli ring itinanggi ni Mangaoang na bahagi siya ng demolition job laban kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Ayon kay Mangaoang, hindi siya kasapi ng anumang sindikato na umano’y tumatrabaho laban kay Lapeña.

Dumalo din sa nasabing pagdinig si Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Read more...