Bangkay ng dalawang lalaki natagpuan sa Sariaya, Quezon

Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Sariaya, Quezon, Miyerkules ng umaga.

Hinihinalang biktima ng summary execution ang dalawa na nakita sa gilid ng Eco-Tourism Road sa Barangay Talaan Aplaya.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, may mga tama ng bala sa katawan ang mga biktima at nakabalikt ng plastik ang kanilang ulo.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...