Kinilala ang rebelde na si Basser Sahak, na suspek sa ilang mga pambobomba kabilang na ang pagpapasabog noong Sept. 16 sa Purok Malipayon, Barangay Apopong, General Santos City na ikinasugat ng walong katao.
Naka-engkwentro ni Sahak ang mga tauhan ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ayon sa AFP, si Sahak ang nakatoka sa liquidation operations at finances ng AKP at may direktang contact kay Abu Toraife na lider ng ISIS-inspired Dawla Islamiya Group.
Nakuha mula kay Sahak ang M16 rifle, walong bala para sa M203 rifle, tatlong cellphones, long magazine, at short magazines para sa M16, apat na improvised anti-personnel mines, mga food supplies at iba pang gamit.