Kaso ng dengue tumaas ngayong taon; 700 na ang naitalang nasawi

Nakapagtala ng 21 percent na pagtaas sa kaso ng dengue ang Department of Health (DOH).

Ayon sa datos ng dengue surveillance division ng DOH, umabot na sa mahigit 138,000 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa kung saan 700 ang nasawi.

Ang nasabing bilang ay naitala mula January 1, 2018 hanggang October 6, 2018,

Mas mataas na ito ng 21 percent kumpara sa 114,378 na naitala sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Ang Central Luzon ang nakapagtala ng may pinakamaraming kaso, na sinundan ng NCR, Region 4-A, Ilocos Region at Western Visayas.

Read more...