Nasawi sa war on drugs ng pamahalaan umabot na sa halos 5,000

PNA photo

Umabot na sa 4,948 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ang nasabing bilang ay inilabas sa Real Numbers PH report mula July 1, 2016 hanggang September 2018.

Halos 600 ang nadagdag sa bilang ng nasawi sa nakaraang report na inilabas noong June 30, 2018.

Ayon sa datos, sa buwan lamang ng Setyembre, 94 ang naitalang nasawi.

Sa kabuuan mula July 2016, nakapagkasa ng mahigit 110,000 na anti-drugs operations; mahigit 158,000 ang naarestong drug personalities; at mayroong 255 na drug dens na na-dismantle.

Read more...