Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 2,555 kilometro Silangan ng Visayas.
Sa ngayon, taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa lakas na 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran.
Inaasahang lalakas pa ito bago pumasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Sabado o Linggo at papangalanang ‘Rosita’.
Hindi naman ito inaasahang tatama sa anumang kalupaan ng bansa.
Samantala, sinabi ng PAGASA, na posibleng umihip na sa Hilagang Luzon ang hanging Amihan sa weekend.
Ngayong araw, apektado ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang Davao Region at SOCCKSARGEN kung saan makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng maalinsangang panahon liban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.