Tatlong palapag na gusali sa Maynila, nasunog

Tinupok ng apoy ang isang 3-storey commercial building sa bahagi ng Honorio Lopez Boulevard sa lungsod ng Maynila.

Ang nasunog na Scan Marine building ay tanggapan ng isang kumpanya na distributor ng mga marine products, gaya ng lambat, jetski at iba pa.

Nagsimula ang sunog alas 7:45 ng umaga sa ikalawang palapag ng gusali, na umabot sa ikatlong alarma.

Ayon sa mga trabahador, may nadinig silang malakas na pagsabog na sinundan ng pagsiklab ng apoy.

Mabilis namang nakababa at nakalabas ng gusali ang lahat ng empleyado at walang nasaktan sa insidente.

Read more...