Ayon kay Obama, masusi na nilang pinag-aaralan ang usapin, at gagawin ng kanilang mga imbestigador ang lahat para matukoy ang ugat ng pangyayari. “I think there is a possibility that there was a bomb on board. And we’re taking that very seriously…we’re going to spend a lot of time just making sure that our own investigators and our own intelligence community figures out exactly what’s going on,”: ayon kay Obama.
Noon ding Miyerkules, sinabi ni British Foreign Secretary Philip Hammond na bagaman nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, mataas ang posibilidad na bomba ang dahilan ng crash.
Sinuspinde rin ng Britain ang mga flights mula at patungo sa Sinai resort sa Sharm el-Sheikh na pinagmulan ng Russian Jet.
Sa panig naman ni Egyptian Gen. Khaled Fouda, Gobernador ng South Sinai, dapat hintayin na lamang muna ang resulta ng imbestigasyon partikular ang gagawing pagsusuri sa black box.
Una nang sinabi ni Fouda na maraming problema ang eroplano at posibleng mechanical failure ang dahilan ng pagbagsak nito.