Unang nagtungo si Go sa Barangay 14 kung saan namahagi ito ng mga damit, sapatos, at pagkain.
Pagdating sa evacuation center ay napahiyaw at nagcheer ang mga residente ng “Go, Bong Go!”
Lumakas pa lalo ang kanilang hiyawan nang lumapit si Go at nagpaunlak ng selfie.
Natuwa rin ang mga tao nang malaman na kasama pala ni Go ang isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Philip Salvador.
Hinubad din ni Go ang kanyang suot na rubber shoes at ibinigay ito sa isang nasunugang residente.
Sunod na nagtungo si Go at Ipe sa covered court ng Barangay 8 kung saan muli itong namahagi ng mga damit.
Pangako ni Go na papagawan niya ng mga uniporme ang mga estudyante at manggagawa, partikular ang mga security guards. Pinyuhan niya rin ang mga gustong magkaroon ng sariling bahay na magtungo lamang sa National Housing Authority (NHA).
Tiniyak pa ni Go na ngayong araw ay hihingi siya ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Bong Go, namigay ng mga sapatos, damit at pagkain sa mga nasunugan sa Caloocan City | @thisjustinne pic.twitter.com/vC3mC6TB7B
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 23, 2018