2 lalaki, 1 babae arestado sa loob ng apartel sa QC dahil sa droga

Contributed photo

Kabilang ang isang babae sa inaresto ng pulisya matapos magsagawa ng drug buy bust operation sa loob ng isang apartel sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Sherwin Castro, 25 taong gulang; Benjamin Celedonio, Jr., 35 taong gulang; at Mary Ann Soria, 35 taong gulang.

Nasamsam mula sa kanila ang 17 maliliit na sachet ng shabu, 2 medium sized sachet ng shabu, isang bukas na sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...