Mexico naghahanda na sa panganib ng Hurricane Willa

Puspusan ang naging paghahanda ng Mexico bunsod ng inaasahang pinsala sa buhay at ari-arian ng Hurricane Willa.

Inilabas ng federal government ang decree of ‘extraordinary emergency’ para sa 19 na munisipalidad sa state of Nayarit at state of Sinaloa.

Sa Mazatlan, isang sikat na beach resort, ilang mga residente na ang nag-imbak ng mga pagkain at tubig.

Sa bayan naman ng Escuinapa, maraming tao na rin ang lumikas at naglagi sa evacuation centers.

Ayon sa mga opisyal ng gobyerno, nasa 8,000 katao na ang inilikas sa mga mabababang lugar partikular sa Sinaloa.

Ayon sa US National Hurricane Center, taglay ng Hurricane Willa ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometro at inaasahang magdadala ng mapanganib na storm surge at malakas na ulan at hangin.

Ibinabala rin ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar lalo na sa mga bahagi ng Jalisco, Nayarit at Sinaloa.

Read more...