Sequel ng ‘Wonder Woman’ sa 2020 na ipalalabas

Kailangan nang kaunting pasensya ng fans ng ‘Wonder Woman’.

Ito ay matapos ianunsyo ng Warner Bros. na sa June 5, 2020 na ipalalabas ang ‘Wonder Woman 1984’ na sequel ng ‘Wonder Woman noong 2017.

Ang pelikulang ito na pinagbibidahan ni Gal Gadot ay nakatakda sanang ipalabas sa November 2019.

Matatandaang blockbuster hit ang pelikulang ito noong nakaraang taon matapos kumita ng higit $800 milyon sa global ticket sales.

Ito ang pinakamatagumpay na live-action film na sumailalim sa direksyon ng isang babae.

Si Patty Jenkins pa rin ang direktor ng pelikula.

Read more...