Ang hakbang ng DOJ ay taliwas sa anunsyo ng Malakanyang na iaapela ng Solicitor General sa Court of Appeals (CA) ang desisyon ni Judge Andres Soriano.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang apela ay para lamang sa factual findings ni Judge Soriano na naghain ang Senador ng application for amnesty at umamin ito ng guilt sa ginawang kudeta.
Una rito ay sinabi ni Guevarra na ang DOJ at hindi ang Solgen ang magdedesisyon ng sunod na hakbang sa kaso ni Trillanes.
Pahayag ito ng kalihim matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na diretsong aapela si Solgen Jose Calida sa CA at hindi na maghahain ng motion for reconsideration sa mababang korte.