1.4 toneladang iligal na droga, susunugin ng PDEA sa October 26

Susunugin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 1.4 toneladang iligal na droga sa Trece Martires, Cavite sa Biyernes October 26.

Ayon kay PDEA Director at Spokesperson Derric Arnold Carreon, nananatili sa kanilang kustodiya ang 3.45 tonelada ng iba’t ibang uri ng droga kung saan 1.8 tonelada rito ay shabu.

Ang mga susunuging droga ay iyong mga tinurn-over sa kanila ng Quezon City Police District (QCPD).

Susunugin ang mga ito sa pasilidad na accredited ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa isang lalawigan.

Ang naturang mga droga ay nakumpiska noong 2002 at 2003 pero kamakailan lamang nagkaroon ng court order para sunugin.

Read more...