116 hotels at resorts handa na sa Boracay reopening sa October 26

Handa na ang 116 na mga hotel at resort sa Boracay sa muling pagbubukas ng isla sa October 26.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang naturang bilang ng hotels at resorts ay katumbas ng 5,667 na mga kwarto.

Malaking taas ang bilang kumpara sa listahan ng ahensya noong Agosto kung nasaan 25 hotels at resorts lamang ang open for business sa Boracay reopening.

Sinabi ng ahensya na ang 116 na establisyimento ay pwedeng tumanggap ng booking reservations.

Pinayagan rin ang mga ito na mag-operate sa naturang sikat na tourist destination simula sa October 26.

Una nang nagbabala ang DOT na sa accredited hotel at resort lamang magpa-book para iwas problema sa pagpunta sa Boracay.

Read more...