Pinirmahan ng pangulo ang Republic Act No. 11089 noong October 18 na magbibigay-daan sa Streamtech na magtayo, mag-install, gumawa, mag-operate at magmintina ng telecommunications systems sa buong Pilipinas.
Nakasaad sa bagong batas na epektibo sa loob ng 25 taon ang franchise ng Villar-owned telco.
Ayon kay Manuel Paolo Villar, company president ng Vista Land & Lifescapes (VLL), seryoso sila na mapasok ang telecom business na nationwide ang sakop.
Bukod dito inoobliga rin ang telcom company na kumuha ng Certificate of Public Convenience at Necessity sa National Telecommunications Commission (NTC)
Matatandaang pinagbantaan ng pangulo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na siya na ang magte-take over sa selection process kapag wala pang napiling ikatlong telco player sa buwan ng nobyembre.
Sa ngayon ay naghahanap na ang mga Villar ng posibleng partners sa plano nitong maging third telco player sa bansa.