Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, pag-uusapan ng board sa linggong ito ang motion for reconsideration na inihain ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC).
Sakali anyang ibasura ang apela ng grupo, hindi na pwede ang isa pang round ng 15-day period na itinakda ng LTFRB.
Nagtakda ang LTFRB board ng 15-day period para umapela ang publiko matapos aprubahan ng ahensya ang P2 na dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep at P1 sa mga bus.
Inilabas ng ahensya ang fare increase noong October 18 matapos aprubahan ni Delgra at LTFRB board member Ronaldo Corpus habang nag-dissent si board member Aileen Lizada.