Alok na DNA test ni Sen. Bongbong Marcos, tinanggihan ni Sen. Grace Poe

grace-poe2Tinanggihan ni Senator Grace Poe ang alok ni Senator Bongbong Marcos na DNA test para makatulong sa kaniya matapos na magnegatibo ang mga isinagawang pagsusuri sa ilang posibleng kaanak ng senadora.

Ayon kay Poe, bagaman nagpakita ng kabutihan si Marcos sa kaniyang alok, ay biru-biruan lamang para sa kaniya ng isyung magkapatid sila ng senador.

Katunayan, dahil aniya sa nasabing mga biro, marami nang naapektuhan at nasaktan sa kaniyang pamilya.

Isa sa mga tinukoy ni Poe na nasasaktan sa isyu ay ang kaniyang pinsan na si Sheryl Cruz.

Samantala, kuwento ni Poe, bago pa man siya magdesisyon na sumabak noon sa 2013 elections, sinusubukan na niyang alamin ang kaniyang nakaraan kahit sa pamamagitan man lamang ng kaniyang medical records.

Ayon kay Poe, nagtanung-tanong na sila noon sa mga hinihinalang kaanak niya.

Sa kabila naman ng negatibong resulta ng mga isinagawang DNA tests, kumpiyansa si Poe na maidedepensa niya ang kaniyang citizenship.

Read more...