Sa MR ng oppositor na si Arlis Acao na taga-Camarines Norte, kanyang iginiit na hindi makatarungan sa milyong-milyong Pilipino na nagsasakripisyo na sa kahirapan dahil sa mataas na inflation rate ay sasabayan pa ng dagdag-pasahe.
Ipinunto nito na 25% sa mga commuter ay walang trabaho, senior citizens, mga estudyante, persons with disability o PWD.
Sinabi rin ni Acao na masakit para sa mga pasahero na lalo pa raw yayaman ang mga operator ng jeepney at bus, at lalong lalaki umano ang kita ng mga driver na kumikita na raw ng P1,000.00 kada araw.
Dagdag ng oppositor, mayroon siyang ebidensya na mas mataas ang kita ng mga tsuper ng jeep at bus, kumpara sa minimum wage law na P512.00 kada araw.
Epektibo sa Nobyembre 2018, ang minimum na pasahe sa jeep ay magiging P10.00 na dahil sa dagdag na P2.00, habang ang minimum na pasahe sa ordinary bus ay P11.00 mula sa P10.00, at P13.00 naman para sa air-conditioned bus, mula sa P12.00.