Makabayan bloc nagpasaklolo sa Senado para sa IPU

Inquirer file photo

Hinikayat ng Makabayan bloc ang Senado na huwag sundin ang utos ni House Speaker Gloria Arroyo na kumalas ang bansa sa Inter-Parliamentary Union (IPU) bunsod ng alegasyon na panghihimasok umano sa soberenya at judicial process sa bansa.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Isagani Zarate, hindi nakikialam ang IPU sa proseso ng hustisya ng bansa.

Ang ginagawa lamang anya nito ay pumuna sa nangyayari sa bansa at magbigay ng rekomendasyon.

Ganito din aniya ang ginawa ng IPU noon sa kaso ng Batasa 6 at Makabayan 4 nang igiit ang karapatan ng mga progresibong mambabatas.

Ayon naman kay ACT Rep. Antonio Tinio, tinawag lamang ng IPU ang pansin ng kanilang counterpart sa Kongreso upang protektahan ang indpendence ng kapulungan at protektahan ang karapatan ng mga opposition Senators tulad nina Leila de Lima at Antonio Trillanes IV.

Hindi aniya mapipigilan ang pagpuna ng IPU lalo na kung mga karapatan na kinikilala ng international community ang nalalabag.

Nauna dito ay sinabi iminungkahi sa pamahalaan ni Arroyo ang tuluyang pagkalas Sa IPU dahil sa umano’y pakikialam sa panloob na polisiya ng pamahalaan.

Read more...