Sen. Manny Pacquiao, campaign manager ng mga kandidato ng PDP-Laban

Si Senator Manny Pacquiao ang magiging campaign manager ng senatorial slate ng PDP-Laban para sa 2019 elections.

Ayon kay PDP-Laban president, Sen. Koko Pimentel III, si Pacquiao ang national campaign manager ng partido at makakatuwang niya sina Energy Sec. Alfonso Cusi na vice chairman ng partido at ang national campaign group.

Bilang campaign manager sinabi ni Pimentel na kay Pacquiao nakaatang ang responsibilidad para maglatag ng campaign stratedy ng PDP-Laban candidates sa buong bansa.

Partikular na tututukan ang kampanya ng mga tatakbong senador habang hinihikayat naman ng partido ang mga local candidates ng magkaroon ng sariling campaign strategy pero kunin pa rin ang gabay ng campaign manager.

Read more...