3 kadete ng PNPA na nag-utos ng oral sex sa 2 underclassmen nahaharap sa kaso

Nahaharap sa kaso ang tatlong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) dahil sa pag-utos sa dalawa freshmen na mag-perform ng oral sex.

Ipinag-utos ni PNP chief Oscar Albayalde na ma-dismiss ang tatlo sa PNPA sa sandaling mapatunayan na guilty sila sa alegasyon.

Ayon kay PNPA Director Chief Supt. Joseph Adnol, sa pahayag ng dalawang underclassmen, isa sa mga kadete ang nag-utos na gawin nila ang oral sex sa likod ng kanilang barracks noong October 6 bilang parusa dahil sa umano ay mga paglabag nila.

Habang ang dalawa pang kadete ay nanonood naman habang nangyayari ang insidente.

Sinabi ni Adnol na nahaharap ang tatlo sa kasong administratibo at kasong kriminal na paglabag sa anti-hazing law.

Inilagay na sa isolation ng PNPA ang tatlo.

Read more...