Sundalo patay, isa pa sugatan sa engkwentro sa NPA sa Camarines Sur

Patay ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa sa engkwentro na naganap sa Camarines Sur.

Naka-engkwentro ng mga sundalo ang miyembro ng New People’s Army sa Barangay Mainit, bayan ng Bato, Lunes, Oct. 22 ng hapon.

Kinilala ng Camarines Sur police provincial office ang nasawing sundalo na si 2nd Lt. Jason Frederick Pasco.

Habang nasugatan naman at ginagamot sa ospital si Private First Class Reynaldo Aquino.

 

Read more...