Nagsimula ang alitan ng dalawa nang punahin ni Darren si JK dahil sa tweet nitong “Espanto gayness at its finest”.
Ang nasabing tweet noong Oct. 19 ay binura din ni JK at sinabing sinusubukan niyang kausapin privately si Darren.
Hindi naniniwala si Darren na na-hack o na-edit ang naturang post ni JK.
Dagdag pa ni Darren, tigilan na ni JK ang pasasabing itinuring siya nitong kapatid noong panahon ng The Voice Kids dahil plastik aniya itong pakinggan.
Ani Darren hindi na niya lalaban ng bastusan si JK at sa korte na lang sila magkita.
Sa kaniyang tweet, humingi din si Darren ng paumanhin sa paggamit ng salitang “bakla” sa isa niyang post na naghahamon kay JK.
Ani Darren, wala siyang intensyong i-offend ang sinoman. Kasabay nito binalingan ni Darren ang gma kumukwestyon sa kaniyang kasarian, aniya dose anyos pa lang siya nang simulang i-bash pero pinili niyang manahimik.
Sa post naman ni JK sinabi nitong mahirap humingi ng tawad sa bagay na hindi naman niya ginawa.
Naninindigan din si JK na hindi siya ang nagtweet na bakla si Darren.