Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng tig-dalawang uniformed security personnel ang mga mayor na may banta sa seguridad sa 2019 elections.
Sa talumpati ng pangulo sa League Municipalities of the Philippines (LMP) Luzon Island Cluster Conference na ginanap sa SMX Convention Center sa Davao City, sinabi nito na kapag valid na mayroong security threat ang isang mayor, marapat lamang na proteksyunan ito para maayos na magampanan ang kanyang tungkulin.
Magpapakalat din ang pangulo ng mga sundalo sa mga lugar kung saan mangangampanya ang mga mayor at maituturing na mga critical areas.
Kasabay nito, muling pinagbantaan ng pangulo ang mga mayor na huwag pumasok sa operasyon ng ilegal na droga.
Ayon sa pangulo, isang malaking pagtataksil sa bayan ang gagawin ng mga mayor kapag nasangkot sa ilegal na droga.
Do not mess up with drugs… and that goes for everybody… even mayors, even city mayors,” he said.
“It is high treason if you do that to your country. So, iwasan ninyo ‘yan. I’m not saying that it’s all about money, but you can have comfortable lives if you are a mayor. Just avoid drugs. If you want security, bigyan ko kayo. You are limited to two naka uniporme,” ayon sa pangulo.
Aabot sa 327 local chief executives ang dumalo sa pagpupulong kahapon kung saan ang tema ay “Kaunlaran ng bansa, sa bayan nagmumula.