CALABARZON handa na sa Pederalismo ayon sa DILG

Kung ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang tatanungin, handa na ang CALABARZON o Region 4-A na mailipat sa Federal form of government.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan E. Malaya, kung ang ekonomiya ng CALABARZON Ang pag-uusapan tumaas ng 6.7% noong 2017 mula sa 4.8% growth noong 2016, base sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Habang ang apat sa limang probinsya ng CALABARZON ay nangunguna sa competitiveness index ranking ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong taong 2018.

Bilang isa sa pinakamalakas na rehiyon sa bansa kaya umanong suportahan ng CALABARZON ang ibang rehiyon sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan patungo sa Pederalismo.

Read more...