Ihahaing apela ng DOJ sa hirit na warrant of arrest laban kay Trillanes wala ring magiging saysay

Posibleng wala na ring maging saysay kahit maghain pa ng motion for reconsideration ang Department of Justice sa naging desisyon ng Makati court na nagbabasura sa hirit na warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Atty. Rey Robles, abugado ni Trillanes, sa mga kasong kriminal na matagal nang nabasura, hindi normal na mag-entertain pa ng apela ang korte.

Ani Robles ang kaso ni Trillanes ay nabasura na pitong ntaon na ang nakararaan kaya iginiit ng Makati RTC Branch 148 sa naging desisyon nito na hindi na pwedeng buksan pa ang kaso.

Ayon kay Robles, kahit maghain pa ng apela ang DOJ, mananatiling sarado ang kaso.

Dahil sa naging pasya ng korte, sinabi ni Robles na natuldukan na ang posibilidad na madakip si Trillanes.

Read more...