LOOK: Isa pang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 kinubra na ang kaniyang premyo

PCSO Photo

Inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang larawan habang iniaabot ang tseke sa isa pang masweteng nanalo sa Ultra Lotto 6/58 jackpot.

Sina PCSO General Manager Alexander Balutan at Deputy Spokesperson Florenta Solmerin ang nag-abot ng P470 Landbank cheque sa masweteng nanalo na mula sa lalawigan ng Albay.

Sa larawan, makikita ang lotto winner na nasa likod ng streamer at nasa harapan sina Balutan at Solmerin para maprotektahan ang kaniyang pagkakakilanlan.

Ang isa pang nagwagi ng P470 million na taga-Eastern Samar ay nauna nang kumubra ng kaniyang premyo noong nakaraang Martes, Oct. 16.

Pinag-aaralan naman ng PCSO ang hirit na isapubliko ang winning tickets sa mga lotto draw.

Read more...