Pagpapalawig ng martial law sa Mindanao suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapalawig sa ikatlong pagkakataon sa umiiral na martial law sa Mindanao.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, ang martial law naman ngayon sa rehiyon ay malaki ang kaibahan sa umiral na martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Aniya, wala namang nangyayaring pag-aresto at sa halip ay pinaigting lamang ang mga checkpoints at mas mahigpit ang ipinatutupad na seguridad.

Ani Albayalde, makatutulong din ang martial law para mapayapang maidaos ang plebesito sa Bangsamoro Organic Law na gagawin sa Enero sa susunod na taon.

Base rin sa natatanggap na feedback ng PNP ay marami sa mga residente doon ang positibo ang pagtanggap sa umiiral na martial law.

Ang pag-iral ng martial law sa Mindanao ay matatapos na sa December 31.

Ayon sa Malakanyang, hinihintay pa nila ang magiging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ito ba ay kailangan pang palawigin o dapat nang bawiin.

Read more...