Kinondena ng Russia ang pasya ng Canada na gawing legal ang paggamit ng marijuana.
Noong nakaraang linggo naging epektibo ang cannabis legalization sa Canada na tinukoy ng Russia na taliwas sa international laws.
Ayon sa pahayag ng Russian Embassy sa Ottawa, nilalabag ng Canada ang major drug control treaties kabilang na ang 1961 Single Convention on Narcotic Drugs, 1971 Convention on Psychotropic Substances at ang 1988 Convention Against Illicit Traffic in Narcotic Drugs and Psychotropic Substances.
Dagdag pa ng Moscow, maari itong magresulta sa pagtaas ng kaso ng drug trafficking.
Noong Oct. 17 ang Canada ay naging kauna-unahang major economy country na nag-legalize ng cannabis.
MOST READ
LATEST STORIES