5 sugatan sa salpukan ng Barangay patrol at SUV sa Maynila

Inquirer file photo

Nasugatan ang limang katao makaraang magkasalpukan ang isang barangay patrol at isang SUV sa Taft Avenue sa lungsod ng Maynila, Martes ng madaling araw.

Ang barangay patrol ay magsusugod sana ng pasyente sa Manila Doctors Hospital nang ito ay mabangga ng SUV.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang sakay ng barangay patrol at tatlo sa kanila ang malubhang nasugatan.

Kasama sa nasugatan ang pasyente na dadalhin sana sa ospital dahil inatake sa puso.

Depense naman ng driver ng SUV, nag-beat ng red light ang barangay patrol kaya niya ito nabangga.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Manila Traffic Bureau sa insidente.

Read more...