Unang niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Malimono sa Surigao Del Norte.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 7 kilometers Northwest ng Malimono 2:18
umaga ng Martes October 23 at may lalim na 29 kilometers.
Niyanig naman ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa
lalawigan ng Davao Oriental alas 2:29 ng madaling araw.
Naitala ang pagyanig sa 167 kilometers Southeast ng Governor Generoso at may lalim na 44 kilometers.
Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig .
Wala namang naitalang intensities, aftershocks at pagkasira ng mga ari-arian bunsod ng dalawang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES