10 patay sa banggan ng van at jeep sa General Santos City

Patay ang sampung katao kabilang ang dalawang bata sa banggaan ng isang van at pampasaherong jeep sa General Santos City.

Ang ilan sa mga pasahero ay naipit sa van sa lakas ng pagkakabangga nito sa jeep sa national highway sa bahagi ng Barangay Batomelong.

Maliban sa mga nasawi mayroon pang anim na pasahero na nasugatan.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing General Santos City ang van at patungo sa direksiyon ng Sarangani province.

Sinabi ng mga nakasaksi na tila nawalan ng kontrol ang van at kinain ang kabilang linya ng jalsada kaya bumangga sa kasalubong nitong jeep.

Ayon sa driver ng jeep na si Dexter Villarin, susundo lamang siya ng mga kaanak na dadalo sana sa kasalan sa Davao del Sur.

Sinabi ng driver ng van na si James Entero na kabilang sa mga nasugatan, pumutok ang gulong ng minamaneho niyang van kaya nawalan ito ng kontrol.

Read more...