Sa 4AM weather advisory ng PAGASA ang severe tropical storm Yutu ay huling namataan sa 2,925 kilometers east ng Visayas.
Nasa labas pa rin ito ng bansa at hindi pa inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 130 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Samantala, sa lagay ng panahon ngayong araw, ang intertropical convergence zone ay maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan na may kulog at pagkidlat sa Palawan, Davao Region, Soccsksargen, ARMM at Zamboanga Peninsula.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon na may pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.