2 lalaki patay matapos manlaban sa mga pulis sa Bulacan

Nasawi ang dalawang lalaking drug suspek matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Perez, Meycauayan City, Bulacan.

Kinilala lamang ang mga napatay na drug suspek sa alyas na Richard at Niño.

Ayon sa mga pulis, sa gitna ng operasyon ay nakatunog ang dalawa na pulis pala ang kanilang katransaksyon.

Dahilan aniya ito upang bumuno ng baril ang mga suspek at binaril ang mga otoridad. Nakaiwas ang mga pulis at gumanti ng putok na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Bukod sa kanilang itinutulak na iligal na droga ay narekober din mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 baril at isang kalibre 38 revolver.

Read more...