CPA licensure exam results lumabas na; UST nag-top

Inquirer file photo

Mula sa University of Santo Tomas (UST) ang topnotcher sa Certified Public Accountant (CPA) licensure examination 2018.

Sa inilabas na listahan ng Professional Regulation Commission (PRC), nakasaad na nakakuha ng 91.83 percent si Lahaira Amy Cayog Reyes.

Nanggaling naman sa Ateneo de Davao University ang pumangalawa na si Erick Jan Solano Sagot na mas mababa lamang ng 0.66 percent kay Reyes. Nakakuha si Sagot ng 91.17 rating.

Si Patrisha Nahveline Jimenez Cordero ng Holy Angel University ang ikatlo sa top na mayroong 90.67 rating.

Mula ulit sa UST ang nasa ikaapat na pwesto na si Marc Angelo Samson Sanchez.

Apat naman ang nasa top 5. Ito ay sina Lanz Adrian Martin Cruz ng Far Eastern University Manila, Charissa Mae Severino Espinola ng UST, Juan Miguel Garcia Mallare ng New Era University, at Kathleen Mae Torres Puno mula ulit sa UST.

Mula sa 14,358 na kumuha ng exam, 3,616 lamang ang nakapasa.

Read more...