6 na miyembro ng Maute group sumuko sa mga otoridad

Nagbaba ng armas at sumuko sa mga otoridad ang anim na mga miyembro ng ISIS-inspired Maute terror group sa Barangay Lumbac sa Sultan Dumalondong, Lanao del Sur.

Nakilala ang mga ito na sina Kasanudin M. Hadji Razul, Hizam U. Imran, Salic Musa Mangao, Taybo Abaser Kandi, Songra M. Hadji Razul, at Nader Musa Mangao.

Kasabay nito ay isinuko rin ng anim ang kanilang mga armas, kabilang ang tatlong M79 grenade launcher, isang kalibre 50 bareta, at isang carbine.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Director Police Chief Superintendent Graciano Mijares, patuloy silang makikipagtulungan sa militar upang mahuli ang lahat ng natitirang miyembro ng Maute group.

Aniya, hinihimok ng kanilang hanay ang lahat ng mga nakalalaya pang mga miyembro ng Maute na sumuko na sa pamahaalan.

Read more...