Holdupper patay sa engkwentro sa Caloocan City

Contributed photo

Dead on the spot ang isang itinuturong holdupper matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay 8, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Kinilala ang nasawing suspek na si Anthony Garcia na nabatid na kabilang sa drugs watchlist ng mga otoridad.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng surveillance sa lugar ang mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Caloocan City Police nang hingan ng saklolo ng isang babae.

Kwento nito, ninakaw ng isang holdupper ang kanyang bag.

Hinanap ng mga pulis ang suspek at nang mamataan ito, ay inunahan sila ng putok.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ni Garcia.

Nakuha mula sa kanya ang bag ng biktima, maging ang isang calibre 380 na baril.

Read more...