Fact-finding team ipinadala ng CHR sa Hacienda Nene

Police Regional Office 6

Nagpadala ang Commission on Human Rights (CHR) ng fact-finding team para imbestigahan ang pagpatay sa siyam na magsasaka sa Hacienda Nene sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, nagpadala na ang CHR Region VI, sa pamamgitan ng sub-office nito sa Bacolod City ng team na susuriin ang katotohanan at aalamin kung sino ang may pananagutan.

Kasabay nito ay kinondena ng CHR ang masaker sa mga magsasaka na ipinaglalaban lang umano ang kanilang karapatan sa lupa.

Nakakaalarma aniya na kamatayan ang kapalit ng paggiit sa karapatan ng isang tao.

Umapela ang CHR sa gobyerno na tiyakin na hindi lang tiyakin ang hustisya para sa mga pinatay kundi tugunan din ang problema ng mga magsasaka sa repormang agraryo.

Read more...