Pilipinas dapat nang umatras sa IPU Assembly — SGMA

Hinimok ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang Senado na umatras na mula sa Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly.

Nais ni Arroyo na umalis na ang Pilipinas sa naturang international parliamentary community dahil dalawang beses na umano nitong pinanghimasukan ang judicial process sa bansa.

Inirekomenda ni Arroyo sa Senado, bilang pinuno ng delegasyon ng Pilipinas sa IPU, na umatras na bilang miyembro ng nasabing organisasyon.

Pahayag ito ng House Speaker kasunod ng posisyon sa 139th IPU Assembly na nakakaalarma ang umanoy human rights violation sa buong mundo.

Partikular na binanggit ng IPU ang pag-aresto kay Senadora Leila de Lima at hakbang na makulong din si Senador Antonio Trillanes IV na mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang sinabi ni Presidental Spokesperson Salvador Panelo na panghihimasok sa panloob na usapin ang posisyon ng IPU.

Read more...