Senador Trillanes masaya sa desisyon ng Makati RTC Branch 148

Nakangiting lumabas ng kanyang opisina si Senador Antonio Trillanes IVpara humarap sa mga mamahayag matapos na personal na ipaabot ng sheriff ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ang resolusyon na nagbabasura sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ang korte ng arrest warrant at hold departure order laban sa kanya.

Kinuwento ni Trillanes na kung sakaling hindi pumabor sa kanya ang desisyon ni Presiding Judge Andres Soriano, siya na mismo ang lalabas ng Senado para isuko ang sarili sa pulisya.

Naniniwala si Senador Trillanes na tama lang ang naging desisyon ng korte hingil sa kasong kudeta nito na nakasampa sa sala ni Soriano.

Nauna naman nang sinabi ng PNP na iginagalang nila ang naging desisyon ng korte ukol sa hindi pagpapaaresto sa senador.

Read more...