Inquirer, umani ng 5 awards sa CMMA, Best Papal coverage

 

Mula sa inquirer.net/CMMA

Nanalo bilang Best News Coverage ang Philippine Daily Inquirer sa paghahatid nito ng komprehensibong balita sa ikaapat na papal visit nitong nakalipas na Enero.

Sa naturang coverage, pinag-isa ang galaw ng mga multimedia platforms ng Inquirer group upang maihatid ang pinaka-komprehensibong coverage sa pagbisita ni Pope Francis dito sa bansa.

Bukod sa Best News Coverage sa Papal visit, nag-uwi ng apat pang award ang Inquirer sa ika-37 Catholic Mass Media Awards.

Panalo rin ng award sina Lyn Rillon sa best news photograph Category sa kanyang lawarang “Wall of Hope.”

Ang “wall of Hope” ay nagsisilbing mural sa lobby ng Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

Wagi rin ang “The Peacemakers,” isang serye ng mga ulat sa peace initiatives sa Mindanao.

Best editorial Cartoon naman si Gilbert Daroy sa kanyang entry na “Pope Francis breaks ice between the United States’ Obama and Cuba’s Castro.”

Ang column naman na “All in the Family” ni Queen Lee-Chua at nag-tie sa column ng “Business Matters” ng Philippine Star para sa top prize sa Best Business Column Category.

Ang CMMA ay unang binuo noong 1978 ni dating Jaime Cardina Sin, noong ito pa ang Arsobispo ng Maynila bilang pagkilala sa mga nagsisilbi sa Diyos sa pamamagitan ng Mass Media.

Read more...