Idineklara na bilang isang heritage park ang Tubbataha reef sa Palawan.
Sa isang sermonya na ginanap sa Palawan Provincial Capitol, iginawad ang naturang titulo sa Tubbataha Reefs Natural Park na tinanggap naman ng mga nangangasiwa dito.
Ayon sa Asean Centre for Biodiversity, o ACB, sa pamamagitan ng naturang pagkilala, maari nang tumanggap ng financial support mula sa iba’t ibang conservation organizations ang Tubbataha reef.
Ang Tubbataha reef ang ika-pitong Asean Heritage Park sa bansa.
Kasama sa listahan ang Mount Makiling Forest Reserve sa Laguna, Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary sa Davao Oriental, Mt. Iglit-Baco National Park sa Mindoro. Mt. Apo, Natural Park sa Davao, Mt. Kitanglad Natural Park sa Bukidnon at Mt. Malindang Range Natural Park sa Misamis Occidental.
Bukod sa pagiging Asean Heritage Park, kilala rin ang Tubbataha reef bilang isang World Heritage site at Ramsar site.